Sunday, 13Dec09
Isang kwento post dahil may bago na naman akong nalaman sa sarili ko.
Ang sakit ng mga laman-laman ko. T.T Siguro na-shock sa pagparty namin nung Friday night. Imagine, last na nagsayaw ako sa isang bar ay nung November 7 pa, di gaya nung dati na every week pumapartey kami. Haybuhay. Owell, so eto, bukod sa brabalibintawan na parang taling nagkapilipilipit at sa stiff neck (dahil sa maling distansya ko habang nagbivideo –sobrang lapit kaya kinailangan kong umurong palayo habang nakaupo at dahil nakatulog ako sa kahoy na sofa namin sa bahay na nakalawit ang ulo at paa) ay meron pa akong pasa (bruise para sa mga saucey) sa kanang panga ko. Hindi ko alam kung saan yun nanggaling. Napansin lang ng kapatid ko noong sabado ng umaga. Maliit lang naman at medyo natatakpan ng patilya ko. Ang tanong, “Saan yun galing?”
Nang mahimasmasan na ako (ngayong Sunday) ay ipinost ko ito sa FB as my status message, sabi ko may pasa na naman ako. Ayun, biglang may nagtxt sa akin, pinsan ko na pinakamatanda sa aming lahat na magpipinsan sa side ng tatay ko. Tinatanong niya kung ano na naman daw bang nangyari sa akin. Siyempre alam ko naman na yung tungkol sa pasa ang tinutukoy niya, pero hindi siya nagcomment sa status message ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko biglang burahin na lang yun sa news feed ko, natakot ako sa isang text message lang na yun. Hindi naman natakot, ewan ko, anu bang tawag dun? Sabi ko naman, okay lang ako, baka nauntog lang somewhere habang nagsasayaw, sumusuka, umiihi, o kung anu pa man. Ayun, sinimulan na akong pagalitan. Ang mga sagot ko naman sa kanya, palaging may “hehe” kaso seryoso tone pa rin siya. Awkward tuloy. Kala mo naman hindi siya ganito pag naglalasing. Ang sabi pa niya. Pag daw mag-iinom ako, magtitira daw ako palagi ng pang uwi. Sinabi na daw niya yun sa akin dati, ewan, di ko matandaan. Tapos, pag nasa ibang lugar daw kami, wag daw magpakainom kasi wala daw kaming panama sa ibang tao kung sakasakaling magkaanuhan. Oo nga naman, hindi kasi to tulad sa barangay namin na pag nalasing ka ay pwede ka nang sumalampak kahit saan. Lagi ko ngang sinasabi, “Lahat ng kayang abutin ng mata mo, akin kaya okay lang lahat na gawin.”
Naalala ko lang, dati nakasabay ko siya paluwas. Eh fiesta ata sa amin noon. May bangas ako sa mata. Katangahan ko rin naman kasi, antok na antok na ako at hindi ko na napansin na aksidente ko palang nahampas ang mukha ko nung kawayan. Ayun, pumutok pero naramdaman ko lang yung sakit pagkagising ko. Balik sa kwento…. Nung nakita niya yung sugat, nakita ko rin ang pagbabago bigla ng expression ng mukha niya. From being the usual kengkoy ay nag-stiffen bigla sabay tanong, “sinong may gawa niyan?” pero bago pa kumulo ang dugo niya ay inexplain ko naman at pinagtawanan niya lang ako. Whew. Natutuwa ako kasi andun yung concern niya sa akin. Wala kasi akong nakakatandang kapatid, walang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako o kung anu anu pa. Sa aming magpipinsan (yung mga legal na manginginom), ako ang bunso (putek, oo nga pala no?). Eh hanggang ngayon, ganun pa rin sila sakin. Pag magkakasama kami ng mga yun, lagi silang nakaalalay sakin. Haha.
Oo na, I’m a sucker for attention. I mean who’s not? At times I get fed up by other people’s comments on practically everything about me (moobs, fats, hair, clothes, etc.), tipong lahat na lang pinapansin araw araw, isa pa para mas malakas ang sumpa, PINAPANSIN ARAW ARAW! Hindi naman ako kinulang sa atensiyon noong bata pa ako, in fact ay sumobra pa nga yata. Di hamak naman na mas naeenjoy ko ang atensiyon kesa sa minsanang pag-i-emo ko sa loob ng kwarto ko.
Realization time:
Gusto ko pala yung ipinapaalam sa akin na I can stop pretending to be strong and I can always go break down at sila na muna ang magte-take over. Aminado ako, mas kayang tiisin ng katawan ko ang pisikal na bugbog kesa yung torments na nagagawa sa isip at dibdib ko. Kung sa pisikal, pasa at bukol lang yan, pero pag sa dibdib na, sobrang mahirap. Kahit na binabalya ko minsan ang pagpapakita ng ganun sakin, naaappreciate ko naman talaga yun, di ko lang alam pano ipakita at suklian. Ang sagwa kasi talaga pag naglalambing ako sa kaibigan. Sa syota at sa kapatid ko lang ako marunong maglambing eh. Hahahahaha. A split-second chance talaga na bigyan ako ng tadhana ng lisensiya to be fragile ay kukunin ko. Ang hirap kasing magpanggap na bato ka. Although kumbaga automatic na sakin na walang reaksiyon sa lahat ng bagay pero minsan talaga gusto kong magpaalam sa mundo at humingi ng permiso kung pwede bang bumigay saglit sa sakit. Okay, parang bata talaga ako. In short, gusto ko na inaalagaan “din” ako.
———————————————-
Wala ulit coherence yan kasi nasa telepono ko yan tinatype eh. Yung last part, hindi yan emo ha, sinasabi ko lang na ganun minsan ang pakiramdam. Hindi necessarily na ako yung nakakaramdam ng masakit, madali lang akong mahawa pero dinadaan ko sa paggo-goof around kasi nga pinagbabawalan ko ang sarili ko na maging emosyonal and be a pussy. Blog ko naman to kaya sasabihin ko na lahat haha.
Posted by lababo 
Posted by lababo 
Posted by lababo 